Maligayang pagdalaw sa tahanang multi-kultural ng mga CAUNANs! Inaasahan po  naming titingnan ninyo ang mga pahina na may mga larawan at mga balita mula sa  tatlong magkakaibang dako ng mundo. Mapalad kaming namamasdan at nararanasan  ang mayayamang tradisyon at iba't ibang kulturang taal at namumukod tangi sa  bawat bansa. Malaki ang aming pasasalamat at dahil dito, nais naming ibahagi ang  aming mga magagandang alaala at kuwento.
Hangad naming higit na maging malapit ang mga kamag-anakan at magkakaibigan.  Kung mayroon man kayong mga balita o kwento, kuru-kuro at mga paboritong  larawan na nais ibahagi, ipadala ninyo po ito sa amin sa anumang porma.  Inaanyayahan din namin kayong bumisita na malimit para sa mga bagong balita,  larawan at iba pang mahalagang patalastas.
Tuloy po kayo!
MP3 Player requires JavaScript and the latest Flash player. Get Flash here.